Miyerkules, Pebrero 13, 2013


Partido State University
Goa, Camarines Sur
College of Education
A/Y 2012-2013

prepared by:
Paulene Grace P. Obias
Email address:
obias_p@yahoo.com
How to Prepare Hand out?



  


ILANG TUNTUNIN SA PAGBAYBAY SA WIKANG FILIPINO



                                   



Mga salitang hiram sa Espanyol na nagsisimula sa e
Pinananatili ang e sa simula ng mga salitang hiram sa Espanyol at hindi ito pinapalitan ng i.
            Halimbawa:
            estilo (estilo)- hindi istilo
            estudyante (estudiante)- hindi estudyante
            eskandalo (escandalo)- hindi iskandalo
            espiritu (espiritu)- hindi ispiritu
            estadistika (estadistica)- hindi istadistika
Mga salitang pinananatili ang o
Pinananatili ang o sa mga salitang hiram sa Espanyol at hindi ito pinapalitan ng u.
            Halimbawa:
            politika (politica)- hindi pulitika
            opisina (oficina)- hindi upisina
            kombinasyon (combinacion)- hindi kumbinasyon
            kompetisyon (competicion)- hindi kumpetisyon
            kompleto (completo)- kumpleto
Ang pang-abay na kay
Ang kay ay pang-abay at hindi panlapi. Sa gayon, hindi ginagamit ang gitling para idugtong ang salita sa kay.
            Halimbawa:
            kay sigla (sa halip na kay-sigla)
            kay bagal (sa halip na kay-bagal)
            kay galing (sa halip na kay-galing)
            kay init (sa halip na kay-init)
Pangmaramihang anyo
ng mga salitang hiram
Sa pagsulat ng pangmaramihang anyo ng salitang hiram, gamitin ang mga kasama ang batayang anyo o pang-isahang anyo ng salita.
            Halimbawa:
            mga painting- hindi ang mga paintings
            mga computer- hindi ang mga computers
mga cellphone- hindi ang mga cellphones                          
Pangmaramihang anyo
ng mga salitang hiram
Maaari rin ang mga sumusunod:
            ang paintings
            ang cellphones
            ang computers
Mga salitang kolektibo
Ang mga salitang nasa anyong kolektibo ay hindi maaaring pangunahan ng pamilang. Kung gagamit ng pamilang, ang batayang anyo ng salita ang dapat gamitin.
            Halimbawa:
            mga lalaki- tatlong lalaki- kalalakihan
            hindi tatlong kalalakihan o mga kalalakihan
            mga pulis- tatlong pulis- kapulisan
            hindi tatlong kapulisan o mga kapulisan
Paggamit ng din at rin; daw at raw
Ang pang-abay na din at daw ay nagiging rin at raw, kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (w o y).
            Halimbawa:
            hiwaga raw (sa halip na hiwaga daw)
            berde rin (sa halip na berde din)
            kaakbay raw (sa halip na kaakbay daw)
            ikaw rin (sa halip na ikaw din)




Kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa pantig na –ri, -ra, -raw, o –ray, ang din  o daw ay hindi nagbabago ng bigkas at baybay.
            Halimbawa:
            maaari din (sa halip na maaari rin)
            pari din (sa halip na pari rin)
            sari-sari din (sa halip na sari-sari rin)
            para daw (sa halip na para raw)
            araw daw (sa halip na araw raw)
            karay-karay daw (sa halip na karay-karay raw)
Pagbigay ng mga bilang mula isa hanggang siyam
Binabaybay nang buo ang bilang mula isa hanggang siyam. Ginagamit ang numeral kapag 10 pataas.
            Halimbawa:
            May dalawang estudyante na nagdala ng 11 bandila mula sa apat na kontinente.
Pagbaybay ng bilang sa unahan ng pangungusap
Binabaybay nang buo ang bilang kapag nasa unahan ng pangungusap.
            Halimbawa:
            Dalawampu’t walong titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino ayon sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Paggamit ng kuwit sa isang serye
Sa paglalahad ng serye, gumagamit ng kuwit bago ang at o o.
            Halimbawa:
            Maglalaban-laban sa kampeonato ng UAAP ang UP, Ateneo, at FEU.
            Tinanong ako ng aking nobyo kung sa Mehiko, Tsina, o Greece kami magbabakasyon sa susunod na buwan.
Mga salitang sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig
Nagiging r din ang d kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig (w at y).
            Halimbawa:
            bumaba roon (sa halip na bumaba doon)
            mababaw rito (sa halip na mababaw dito)
           
A. Ang Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.
Pasulat - Pabigkas
Salita
boto /bi-o-ti-o/
plano /pi-el-ey-en-o/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
vinta /vi-ay-en-ti-ey/
jihad /jey-ay-eich-ey-di/
Pantig                                                           

it /ay-ti/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
pa /pi-ey/                                                                                   
tsart /ti-es-ey-ar-ti/
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)
/em-i-ar-ey-el-si-o/
LEDCO (Language Education Council)
/el-i-di-si-o/
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang
Pilipino)
/pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-pi-ay/
ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao)
/ey-ar-em-em/
ASEAN (Association of Southeast Nations)
/ey-es-i-ey-en/
Daglat
Bb. (Binibini) /kapital Bi-bi/
G. (Ginoo) /kapital ji/
Gng. (Ginang) /kapital ji-ay-en-ey-en-ji/
Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key-ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar/
Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel Luis Quezon) /em-el-kyu/
CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/
JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/
LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey-ji-ey/
Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino /key-dobolyu-ef/
PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster Pilipinas) /key-bi-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod Ng Maynila) /pi-el-em/
MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/
NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/
Simbolong Pang-agham Pang-Matematica
Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eich-tu-o/
NaCl (sodium) /en-ey-si-el/
lb. (pound) /el-bi/
kg. (kilogram) /key-ji/
v (velocity) /vi/

Ang Pasulat na Pagbaybay
Manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong (8) dagdag na letra







Reference:




Gabay SA Editing SA Wikang Filipino (tuon sa pagbaybay) (2005) ng UP Sentro ng Wikang Filipino

http://www.searchquotes.com/images/quotemarkleft.png We speculated what it was like before we got language skills. When we humans had our first thought, most likely we didn’t know what to think. It’s hard to think without words because you haven’t got a clue as to what you’re thinking. So if you think we suffer from a lack of communication now, think what it must have been like then, when people lived in a verbal void - made worse by the fact that there were no words such as verbal void. http://www.searchquotes.com/images/quotemarkright.png